Saturday, September 15, 2007

"ANAWANGIN" OBRA NG MAY LIKHA

Napakahiwaga talaga ng kagandahan ng kalikasan,marahil ito'y gawa kasi ng dakilang manlilikha.Matagal na akong namumundok upang kahit minsan ay masilayan ko ang ganda ng obra ng diyos,na hindi na makikita sa siyudad na aking kinalakihan.Ngunit ngayon 'di lang obra ang kanyang ipinakita ,kundi isa sa kanyang mga gawa na talagang tumatak sa aking puso at isipan,isang pagpapatunay kung gaano siya kadakila.

Alas 3 ng umaga halos 'di na rin ako nakatulog sa sobrang kasabikan na aking nadarama nakahanda na lahat ng aking kailangan,gising na rin ang mahal kong si ka enigma handa na rin para masilayan ang isang sorpresang sa amin ay naghihintay.Dumating kami sa metropolis dakong alas 4 ng umaga,nandun na at naghihintay si ka oldskul isa sa aming makakasama,sandali pa at dumating na ang dalawa pa si ka moymoy at ka shayne.Lulan ng isang pampasaherong sasakyan tumulak kami patungong pasay at doon naghihintay ang dalawa pa sa aming makakasama si ka melchor at ka zkey.Alas 5 ng umaga naglakbay kami patungong sn.Antonio,Zambales mahigit 3 oras din kami sa nakakahilong biyahe ,O ako lang yata ang nahilo dahil hindi ako sanay bumiyahe ng malayo.Narating namin ang palengke ng Sn.Antonio namili kami ng mga pagkain,tubig at iba pang kakailanganin.Alas 10 ng umaga tumungo kami sa bayan ng Pundakit at doon nakilala namin si ka arlene,may ari ng sam's resort at arkilahan n bangka na maghahatid sa amin.Halos kalahating oras lulan ng dalawang bangka sa malawak na dagat narating namin ang lugar na kung tawagin ay ANAWANGIN.Pagbaba pa lang sa bangka ay parang tumigil na ang oras sa kagandahan at katahimikan ng paligid.Di na ko nakatulong sa pagbaba ng gamit sa sobrang pahanga.Iginala ko ang aking mga mata at dinama ko ang kapayapaan ng paligid,mga pine trees,malamig na hangin mula sa dagat,mga bundok sa paligid at payapang alon ang bumusog sa aking mga mata.Sinalubong kami ni ka manuel ng may ngiti,tagapagbantay at tagapangalaga ng lugar,naikwento nya sa amin na ang anawangin dati ay simpleng tabing dagat lamang,ngunit dahil sa paputok ng Mt.Pinatubo sa kabila ng trahedya ay lumitaw ang bagong anawangin na nagpapahiwaitg na laging may pag-asa ang buhay ng tao dahil sa kagandahang taglay nito.Naghanda kami ng pahingahan at ang iba hinanda ang tanghalian,nakakatuwang isipin na hindi kami magka-kamag anak ngunit nandito kami nagtutulungan,daig pa ang magkakapatid.Na isip ko tuloy kundi ba sa mga obrang ito ganito din kaya kami magtuturingan?Pinagsaluhan namin ang masarap na tanghalian espesyal kasi ang luto pritong tilapia,buttered vegetables at ice tea.(kakagutom no?) Pagkapahinga dumating na ang hinihintay ko ang libutin ang paligid at namnamin ang biyaya nito sa tao,napansin ko ang ma puno na nakatanim ng maayos at napakalinis ng paligid ang mga bato sa gilid ng bundok ay parang nililok na may ibat ibang korte disenyo.napakahaba din ng dalampasigan na hinahalikan ng nag aanyayang dagat.Pumasok kami sa loob ng gubat at nakita namin ang payapang batis,isang tahimik at npakagandang batis na nagmumula sa isang bukal at pinalamutian ng bakwan at iba pang mga puno sa paligid nito.Nagpatuloy kami sa paglakad at tumambad sa amin ang isang maluwag na parang.Di ako makapaniwala na magkukubli dito ang isang magandang tanawin na pinalibuan ng ma puno at matataas na bundok.Sa t.v. ko lang kasi madalas makita ang ganito at karamihan ay sa ibang bansa pa.Ngunit ngayon ako mismo ang nakaranas at nakayapak dito.Nagbabadyang umulan kaya't pinasya na naming bumalik nananakbo na kami pabalik prang mga bata na naghahabulan sa pagbuhos ng ulan.Di na nakatiis lumusong kami sa dagat at sinalubong ang mga puting alon na pinatataas ng hangin.Masarap talagang maligo sa dagat habang naulan,hindi malamig at medyo malakas ang alon,tumila ang ulan at nagpakita ang isang bahaghari na parang nagsasasbi na ito'y bas bas mula sa lanit para sa amin na nakapunta sa luar na ito.Nahanda kami ng hapunan at nagluto ako ng espesyal na sinigang at pulang itlog na may kamatis.Pagkatapos kumain ay ay naghanda kami ng inumin para sa aming kasiyahan at nakilala namin ang ibang bisita na pumunta din sa anawangin,tinawag namin silang mga panday at mga diwata(hehehe dahil yun sa mga kwento nilang nakakatawa)Natulog kami sa sobrang pagod at kakatawa sa isang abi na puno ng kasiyahan sa mga bago naming kaibian.Kinaumagahan isang masarap na almusal ang aming pinagsaluhan at naghanda ng umalis,nagpaalam sa mga bagong kaibigan at sa huling sandali ay nilakad ko ang dalampasigan nagpaalam ako at napasalamat.Hindi ko malilimutan ang lugar kung saan ko nakita ang pagiging malikhain ng diyos at kung paano niya pinapasaya ang ma tao.Sana mapangalagaan ng mga taong dumarayo sa lugar na to ang isang dakilang regalo na tulad ng ANAWANGIN.SIDETRIP:

Bago kami umuwi ay dumaan kami sa isang isla ang sikat na Capones Island(dito kuha ang ibang scene sa marimar ngayon)Sa kasamaang palad malakas at malalaki ang alon di kami makalapit dahil sa malalaking bato sa gilid ng isla,bumaba n lang kami sa isang pampang ng isla para magpahinga ngunit ayaw talaga humina ng alon kayat nagpasya na kaming umuwi.Sa mga gustong makakuha ng itenerary ng anawangin meron po akong kopya at malugod ko po itong ibibigay para makatulong.

3 comments:

oldskul said...

ayos 'to dude!!

Black Antipara said...

Magaling magaling magaling!!!! Sulat lang..... sali ka ng bolpen at kape tsong........

trekking said...

ganda!next time english naman ha!