Wednesday, September 26, 2007

Pasasalamat

Salamat o diyos sa bagong yugto ng aking buhay
sa pagbigay mo sakin ng mga mahal sa buhay

sa aking pamilya na mapagmahal

sa mga magulang,sa nanay ko na nag alaga sa akin at minahal ako ng lubos

sa tatay ko na gumabay sa tuwid na landas

sa aking mga kapatid na nagpasaya at nakasama ko sa paglaki.



Sa madaming kaibigan na aking nakilala

mga kaibigan mula pa pagkabata

at mga kaibigan na nadagdag pa

sa mga kaibigan ko sa kalikasan

sa mga kaibigan sa kalokohan at kasiyahan

salamat at nandyan sila

Salamat din po at binigyan nyo ko ng makakasama sa buhay

isang kasama na mapagtiis,maalalahanin,at mapagmahal

salamat at binigay nyo sya sa akin salamat at nandyan si Cha



Salamat din po sa mga aral sa buhay na aking natutunan

sa mga mga pagsubok na nagpatatag sa akin

sa lahat ng tagumpay na aking nakuha

sa kalikasan,at sa mga biyaya na iyong ibinigay



Higit po sa lahat salamat sa araw na ito

sa araw na ibinigay mo sa akin ang tyansa na mabuhay sa mundo

sa araw na pinakamasaya sa buhay ko

Salamat po sa Kaarawan ko.

3 comments:

oldskul said...

astig un pasasalamat mo dude.. pagpalain ka kapatid..

b3ll3 said...

ei kuya...bunso po ako kaya wag u ko kuyahin...hehe! thanks po sa pagbisit sa blog ko!well ayaw lumabas ng msg ko sa chatter box u kaya nagcomment na lang ako... ito po url ng blog ko... www.babybluebellebj.blogspot.com

mnemosyne_twin said...

thank you for sharing that prayer :-)