Thursday, September 27, 2007

BINGI BA ANG DIYOS KAPAG LINGGO?




Araw nanaman ng linggo,galing sa pang gabing trabaho ay naghahabol nanaman ako ng tulog.Marahil sa iba ay masaya ang araw na to dahil araw ito ng pamilya at diyos,ganundin naman sa amin ngunit sa eskinita namin ay may 'di magandang nagnyayari.

Sa araw kasi na 'to,araw ng pagsamba sa ganap na alas tres hanggang alas sais ng hapon ay may pamilyang born again ang nagsasagawa ng pag aaral ng bibliya(di ko na lang babanggitin ung name ng grupo nila) sa pamumuno ng padre de familya nila na pastor daw?

Tuwing linggo na lang ay kailangan kong pagtiisan ito,magsisimula sila sa pagtono ng gitara,mikropono at amplifier ng malakas ang tunog,hindi man lang inisip na nasa iang komunidad sila na dikit dikit ang bahay at maaari silang makabulahaw.Isang araw ng linggo napabalikwas kami dahil sa ingay na likha nila at nagising ang bata na anak ng kapatid ko.nilapitan sila ng aking ina upang sabihan na pakihinaan naman dahil nakakabulahaw.ngunit ng silay magsimula na sa tinatawag nilang bible study ay iniharap nila ang isang malaking speaker sa aming bahay at nagsisigaw sa mikropono(nakalimutan kong sabihin na ang pwesto nila ay sa ikalawang palapag ng kanilang bahay walang dingding,bubong lang at naka open air)ipinagsisigawan nila na kinakalaban dw namin sila sa kanilang matuwid daw na gawain at paratangan pa kaming mga kampon ng demonyo sa pamamagitan ng di tuwirang pagsabi(pagpaparinig) at dapat daw ay magpasalamat pa kami sa kanilang ginagawa dahil meron pa daw isang juan na kagaya nya(ikinumpara nya ang kanyang sarili kay juan bautista sa dw iyon ngayon)at ang sabi pa ay kung may juan noon may bagong juan ngayon.(sya daw yon)

Alam ko ang ibig sabihin ng kalayaan ng pagpapahayag ng sarili pati ang batas ukol dito,pero ito ay dapat nasa tamang lugar at hindi nakakaperwisyo ng kapwa malayang tao,tama po b?Sa aking pag iisip sa kanyang mga sinabi naisip ko din na Nais ba ng diyos na makabulahaw ka ng kapwa mo?Nais ba ng diyos na ipagsigawan mo ang iyong ginagawa sa ngalan niya?sa isang malakas na tunog ng mikropono kahit aanim lang kayo,at sa tingin ko ay kahit walang amplifier ay magkakaintindihan kayo?di nya rin naman kailangan lekturan ang mga kapitbahay dahil lahat naman ay mga sibilisado,ang ibig kong sabihin ay may sariling relihiyon.Di ako laban sa kanyang ginagawa dahil ito'y makadiyos,ngunit sa isang sibilisadong relihiyon kahit si jesus ay nagpunta sa simbahan ang ibig kong sabihin ay meron silang bahay sambahan at hindi sa bahay ni jose na amang tao niya.Nangaral siya sa daan ngunit di siya nagsisigaw at nangbulahaw,ni hindi niya pinilit na sumama sa kanya ang mga tao kundi kusang loob at di sapilitan pagsamba.Ipinangaral din nya na mas kalulugdan nya ang mga taong nagdadasal ng taimtim keysa sa mga taong ipinagsisigawan ang kanilang panalangin.Ang pagiging sibilisado ng tao ay hinayaan niya para subukan kung papaano mo ito gagamitin,alam naman siguro ng pastor na ito ang tamang paggamit ng amplifier at ang lakas nito.anim,pito,walo?kahit sampu pa ay sapat na ang karaniwang boses lang tama ba?

Isa pa ang mabuting tagasunod ng dakilang diyos ay hindi nakakaperwisyo ng kapwa,bagkus ay nakakatulong.Nakasaad din sa bibliya na lalabas ang mga huwad na tagaturo ng salita ng diyos mga nanliligaw ng pananampalataya,gagamitin ang pangalan nya at ililigaw ang sinumang susunod,maghahasik ng kaguluhan at di pagkakaunawaan sa ibang mananampalataya hanggang mabaon ang tao sa maling paniniwala at aral.At higit sa lahat hindi ka si juan o ang makabagong juan wala na nun.Nakasulat na wala na siyang kakausaping pisikal o ispiritwal hanggang sa dumating ang pangalawang paghuhukom ang APOKALIPSIS.

Hindi bingi ang diyos!!! ang tahanan nya ay ang puso ng tao,taimtim na panalangin lang ang kailangan,hindi kailangang ipagsigawan.

No comments: