Friday, October 19, 2007

PANANAW



Pagiging makabayan,isa sa mga kaugaliang pinoy na ipinagmamalaki natin.Ika nga ng ating pambansang awit ay "sa manlulipig di ka pasisiil" ngunit kung minsan ang salitang makabayan ay ginagamit sa pansariling hangarin at hindi para sa bayan talaga.

Kamakailan lamang isang balita ang kumalat sa buong bansa tungkol sa isang palabas na banyaga sa t.v. na diumanoy humamak sa mga paaralan ng filipinong doctor dito sa pilipinas.Wala namang esaktong eskwelahang binanggit ngunit maraming umalma,at hanggang sa internet ay dumagsa ang mga emails tungkol dito na nanghihimok makiisa sa para ipagtanggol ang mga med. skul sa pinas.Humihingi sila ng "public apology" sa artistang banyaga na nagsabi ng linyang panghahamak.Isa dw itong tuwirang panghahamak ganito kasi ang sinabi nya:(tatagalugin ko para mas malinaw)

"Maaari ko bang tingnan ang iyong diploma para makasiguro na hindi galing sa kung saang med.skul lang sa pilipinas"

Yan ang sinabi nya at dahil dito umalma sila at sinabi na ito ay panghahamak sa atin at sa ating bansa.Kung ikaw ang tatanungin ang umiral ba sa kanila ay ang damdaming makabayan o damdaming pansarili(pride for country) o (personal pride)?

Matagal ng nangyari ito mga isang buwan na rin siguro,pero minsang nanonood ng t.v. ang nanay ko,isa sa paborito niyang pang gabing palabas sa isang sikat na istasyon napokus ako sa isang parte ng palabaskung saan isang doktor na alm nating filipino(dahil itoy filipinong teleserye)ang kinontrata ng kontrabida para gumawa ng pandaraya at maglabas ng findings na sya ay nakunan at nalaglag ang bata kahit hindi naman sya buntis,yun ay para linlangin ang mayaman nyang asawa na naghahangad na mag kaanak.kapalit nito ang milyong halaga,at hindi pa nakuntento ang doktor at binantaan nya ang kontrabida na kung hindi magdadagdag ng 5 milyon ay isusumbong niya ang kanilang pandaraya(nang black mail pa).

Muli akong magtatanong anong mas nakakahamak yung salita ng banyaga o yung pagpapakita ng kapwa filipino ng mas malinaw na maling gawain ng doktor sa pilipinas?Anong panananaw mo dito?Bakit hindi umalma ang mga makabayang doktor dito,pati na yung mga sumoporta sa kanila?Ano ang magiging reaksyon mo sa dalawang klase ng panghahamak na yon?
Kung ang mag iisip ay talagang makabayan dapat parehas sila ng reaksyon o dapat parehas nilang pinuna at prinotesta ang dalawa,(sa akin nga mas malala p ung sa kapwa filipino)ngunit ang inisip kasi nila ay pansariling kapakanan lang dahil sa crab mentality.Di na nila papansinin yung kapwa nila filipino na nagpalabas ng kamalian ng doktor na mas lantaran pa at malinaw dahil ang tingin nila sa sarili nila ay mataas,samantalang mas pinansin nila ang salita ng banyaga dahil alam nilang angat ito sa kanila at ginamit ang pangalan ng bayan para himukin ang iba at palabasin na itoy para sa bansa.

Pero kung susuriin mo parehas lang naman sila na nagbabasa ng script at iniarte sa palabas sa t.v. Ang pinagkaiba lang nila ay nagtanong ng diploma ang banyaga kung galing ito sa kung saang lang med.skull sa pilipinas,kumpara sa filipino mismo na nag papabayad at nangikil pa kapalit ng pananahimik sa maling ginawa.Ano ba ang naging basehan nila sa eksenang ito?

Kung ikaw ang tatanungin ginagamot ka ba ng doktor sa pilipinas dahil sa propesyon nila o dahil sa pera?

Ikumpara natin sa pilipinas pag emergency ang kaso pagdating mo sa ospital kailangan magdeposit ka muna bago ka sikasuhin pag walang pera paunanglunas muna tapos iintayin yung deposit mo bago ka operahin o bago ka asikasuhin ulit mas madalas pa nga di ka i-aadmit.iilan lang yung tumatanggap talaga ng emergency kahit wlang pangdeposit.o kaya pumunta ka sa mamahaling ospital at mabaon ka na sa utang.

Sa U.S. naman kung napapanood mo ung 911,diretso ka na agad sa emergency gagwin ang lahat para mabuhay ka.kailangan ko pa bang dagdagan?

At bakit maraming filipinong doktor ang nag aaral maging nurse para lang makapangibang bansa at magtrabaho ng nurse doon kesa maging doktor dito sa pilipinas?Dahil di ba sa pera?

Ibalik natin sa una,kaya ba mas pinansin nila ng sinabi ng banyaga ay dahil mas angat ito sa kanila at siguradong mapapansin sila?kumpara sa ginawa ng filipino na dito lang pag uusapan at hindi na lalabas ng bansa kaya di nila pinansin?

Muli pride for country o pride sa sarili?propesyon ba o para mapansin lang?

Friday, September 28, 2007

HIP HOP O ROCKERS (KATUWAAN LANG)

Isa akong 25 yrs old na hip hop,9 yrs old pa lang ako ng mahiligan kong magsuot ng maluluwang na t-shirt at pantalon.Nakinig at sinaulo ang mga rap ni Andrew E.,Francis M.,Masta plann, at Tropical depression.(mga sikat nung 9yrs old pa ko)Nagkaroon din ako ng mga tropa nung high skul at colledge,puro hip hop kami nasali pa nga ako sa gang isa sa tatlong unang gang sa manila ang AVENUES.

ngayon nagtatrabaho na ko nagkaroon ako ng barkadang mga tinatawag na ROCKERS mga naririnig ko lang nung high skul ako.Mga mahilig sa banda,fit na damit at pantalon.Minsan pag nagkukwentuhan kami madalas kaming magbiruan tungkol sa magkaibang porma namin,minsan ipinasulat ko sa isang tropa kong ROCKERS kung ano ba talaga ang nagustuhan nila sa trend nila at bakit ayaw niya maging hip hop at ito ang sabi niya:




  • Name: Christian Cutamora
  • AkA: Xtian

  • Age: 26

  • Trend: Rockers

  • Type of Music: Rap Metal Daw

Ito ang sinulat nya:Bakit ayaw ko sa hip hop?

Isang araw habang nagbabantay ako ng makina ko(sa trabaho )binulabog ako ng maligalig kong kaibigan(ako daw yon)tinanong nya ko kung bakit ayoko sa hip hopang naging sagot ko ayoko ng way of life nila ang hihilig sa mga sosyalan pagnagdukutan naman(patak patak daw)ng bulsa walang kang perang makikita sa kanila(wow mukhang galit agad ah?)tsaka kumpara mo ang mga hip hop sa pinas ni wala akong maalalang grupo na nagtagal music industry buti na lang nandyan si Francis M."my men with matching taas ng kamay" at si Andrew E.(wow mukhang malamig na ata ang ulo)Nagkaroon nga kayo ng puwang sa industriya pagkatapos ng dalawang yon wala na(yung sinabi nyang dalawang rapper)Nagkakaaway away kaya hanggang ngayon underground parin(galit nanaman ata)Hindi gaya namin dekada sisenta pa lang namamayagpag na kami,lalo na ngayon sa katauhan ng bandang keso,greyhounds,at slapshock(bat di nya sinama ung dekada sitenta si elvis at pepe smith)kasama pa ng ibang banda lalo kaming lumalakas anong ginagawa nyo ngayon par mapansin sa industriyanakikipag colaborate kayo sa amin para mapansin buti na lang maganda ang kinakalabasan kung hindi sa khangkhungkernitz na lang kayo pupulutin(sa kangkungan daw)Eto pa ang isa di nyo kayang tapatan ang mga rock concert namin gaya ng summerslam @ red horse muziklaban na taon taon ginagawa di pa kasama dyan ang kabilaang battle of the bandz na makikita mo saan mang lupalop ng pinas.

Pag usapan naman natin ang music nyo nakit ang hilig nyong kunin ang chorus ng kanta tapos dadagdagan nyo ng konting rap ok na ang baduy naman(na diring diri ang reaksyon)o kaya magsusulat kayo ng isang kanta bibirahan ng rap konting beat at tapos titirahin nyo kung sino sino ano bang pakialam nyo sa buhay nila unahin nyo muna pakialaman ang buhay nyo letse(wahahaha galit na ata talaga)

O sa porma naman tayo napansin ko lang hamakapagsuot lang ng maluwang hip hop na yon at yon din naman ang porma naka Fubu ka nga kaya Fuburito mong suotin(wahahaha pati brand ng damit ko nakita)yuck walang laba laba.Ayoko ng magsalita ng masasakit tungkol sa inyo kasi may mga kaibigan din akong hip hop tska infairness(bading accent)maganda din naman ang kinakalabasan ng rap @ rock=rap metal yun ang tugtugan namin ng banda ko ngayon.

wahahaha ako naman ngayon hehehe sempre babawi ako.

  • Name: TanTrum Cliff Mordoff
  • AkA: TanTruM 7thSign
  • Age: 26
  • Trend: Hip Hop
  • Type of Music: Rap

ito naman ang sinulat ko:Bakit ayaw ko sa Rockers?

unang una sa porma pa lang pangit na ang hilig sa fitted jeans at damit na pinupunitan style daw kasi yun eh di ba sa construction ginagawa un para makakilos ng maayos sa trabaho?tsaka ang papayat naman para mag fit puro bones,parang mga kulang sa pagkain,ang hilig sa leather jacket kahit mainit ang panahon,mahilig din mag gel kahit di naliligo ung iba nga puti pa ng itlog ang gamit para daw mas matigas ang buhok.May nagpapadreadlocks kahit di naman bagay mukha lang taong grasa,at akala ko ba makabayan ang image nyo eh diba ang dreads ay sa mga negro nagmula?at bakit may picture kayo ni che guevarra sa t-shirt di ba dapat si rizal o kaya si bonifacio o kaya si diego silang tama ba?May tinatawag din na emo yung onesided ang buhok na mukhang bading na may sayad dahil sa kapal ng eye shadow at mahilig magpapicture sa top view at side view basta isang mata lang ang kita na medyo nakatirik.tsaka parang mga hindi naliligo ng tatlong araw pag aatend ng mga tinatawag nilang gig.Naaalala ko pa nga na nagkaroon ng stampede sa isang rock concert na may mga nasugatan at namatay,dahil ba sa stampede o dahil sa baho ng katabi at dumagan sa kanila.(mas yuckie di ba?)meron pang mga nakachucktailor shoes na panahon pa nga ata ng dekada sitenta wala ng ibang porma kundi dekada sitenta kaya bata pa mukha ng lolo.tsaka parang mga may sakit dahil ang dudungis nga tingnan lagi pang may nakasukbit na bag ung pang kartero.Tapos parang may mga sayad parang laging galit may bigla na lang magtatambol kahit saan basta pwede paluin,pati sarili ginigitara tapos ung tunog ung boses nila na ginagaya ung tunog ng gitara.may biglang sisigaw kumakanta na pala parang sinasapian naman ung kanta(kung nakapanood kayo ng exorsism of emily rose parang ganun)

Sa music naman tayo pag umatend ka ng concert nila o kahit mapanood mo lang sa t.v. wala kang makikita kundi mga nagtatalunang ungas parang mga palaka lang.tpos may bigla na lang magbubungguan tapos may magkukulapse un pala napasubsob na sa kilikili ng katabi nya.(yuck nanaman)pawisan pa naman nako di ko maisip ang amoy.At ito pa yung nasa stage may tinatawag na growl yung parang insapian ung boses yun na simula na ng bungguan slaman at may dinilaan pa daw syang babae sa kilikili(suka na ko)May sumisikat nga sa banda pero mas marami din ang bumabagsak mas marami pa ngang nagkakawatak watak dahil tumataas ang ere.Tapos yung mga bagong banda ang wierd ng mga porma para lang mapansin may nagdadamit babae may nagsuot ng spiderman costume pero karamihan ginagaya ung porma sa ibang bansa.ang baduy di ba?At isa pa ilan lang ba sa banda ang may magandang nagawang kanta?yung original yung sound?yung talagang sasabihin mong sila ang original?wala naman eh.At ang pangit pa nun eh pare pareho yung tinutukoy sa kanta wala na ngang sense yung iba.lalo na yung mga bandang pinoy.Tsaka bakit nyo pinoportaite ung sign ng devil ung sign ng mga rockers sa kamay,tsaka bat gusto nyo maging anti christ un ba ang magandang trend ung pagiging anti christ.di ba pangit yun kaya pala karamihan ng movie na may devil ang porma ay leather jackets at pati mga kontrabida sa pelikula.heheheheh mga rockers din b sila?

wahahaha! natapos din sa totoo lang habang ginagawa ko to tawa ko ng tawa,kasi ung kapatid ko rockers pinabasa ko sa kanya tawa din ng tawa.nagpalitan pa nga kami ni xtian ng sinulat bago ko i post to.nauwi nanaman sa katatawanan,kahit naman kasi magkaiba ang trend namin magtotropa kami konting kulitan,konting asaran parang mga bata lang sarap bumalik sa pagkabata di ba?Ang mga ganitong trend ang paraan ng mga kabataan ngayon upang maipahayag ang kanilang sarili.Isa rin itong paraan ng komunikasyon at pakikipagkaibigan.Sila ang mga tropa kong ROCKERS!!!

Thursday, September 27, 2007

BINGI BA ANG DIYOS KAPAG LINGGO?




Araw nanaman ng linggo,galing sa pang gabing trabaho ay naghahabol nanaman ako ng tulog.Marahil sa iba ay masaya ang araw na to dahil araw ito ng pamilya at diyos,ganundin naman sa amin ngunit sa eskinita namin ay may 'di magandang nagnyayari.

Sa araw kasi na 'to,araw ng pagsamba sa ganap na alas tres hanggang alas sais ng hapon ay may pamilyang born again ang nagsasagawa ng pag aaral ng bibliya(di ko na lang babanggitin ung name ng grupo nila) sa pamumuno ng padre de familya nila na pastor daw?

Tuwing linggo na lang ay kailangan kong pagtiisan ito,magsisimula sila sa pagtono ng gitara,mikropono at amplifier ng malakas ang tunog,hindi man lang inisip na nasa iang komunidad sila na dikit dikit ang bahay at maaari silang makabulahaw.Isang araw ng linggo napabalikwas kami dahil sa ingay na likha nila at nagising ang bata na anak ng kapatid ko.nilapitan sila ng aking ina upang sabihan na pakihinaan naman dahil nakakabulahaw.ngunit ng silay magsimula na sa tinatawag nilang bible study ay iniharap nila ang isang malaking speaker sa aming bahay at nagsisigaw sa mikropono(nakalimutan kong sabihin na ang pwesto nila ay sa ikalawang palapag ng kanilang bahay walang dingding,bubong lang at naka open air)ipinagsisigawan nila na kinakalaban dw namin sila sa kanilang matuwid daw na gawain at paratangan pa kaming mga kampon ng demonyo sa pamamagitan ng di tuwirang pagsabi(pagpaparinig) at dapat daw ay magpasalamat pa kami sa kanilang ginagawa dahil meron pa daw isang juan na kagaya nya(ikinumpara nya ang kanyang sarili kay juan bautista sa dw iyon ngayon)at ang sabi pa ay kung may juan noon may bagong juan ngayon.(sya daw yon)

Alam ko ang ibig sabihin ng kalayaan ng pagpapahayag ng sarili pati ang batas ukol dito,pero ito ay dapat nasa tamang lugar at hindi nakakaperwisyo ng kapwa malayang tao,tama po b?Sa aking pag iisip sa kanyang mga sinabi naisip ko din na Nais ba ng diyos na makabulahaw ka ng kapwa mo?Nais ba ng diyos na ipagsigawan mo ang iyong ginagawa sa ngalan niya?sa isang malakas na tunog ng mikropono kahit aanim lang kayo,at sa tingin ko ay kahit walang amplifier ay magkakaintindihan kayo?di nya rin naman kailangan lekturan ang mga kapitbahay dahil lahat naman ay mga sibilisado,ang ibig kong sabihin ay may sariling relihiyon.Di ako laban sa kanyang ginagawa dahil ito'y makadiyos,ngunit sa isang sibilisadong relihiyon kahit si jesus ay nagpunta sa simbahan ang ibig kong sabihin ay meron silang bahay sambahan at hindi sa bahay ni jose na amang tao niya.Nangaral siya sa daan ngunit di siya nagsisigaw at nangbulahaw,ni hindi niya pinilit na sumama sa kanya ang mga tao kundi kusang loob at di sapilitan pagsamba.Ipinangaral din nya na mas kalulugdan nya ang mga taong nagdadasal ng taimtim keysa sa mga taong ipinagsisigawan ang kanilang panalangin.Ang pagiging sibilisado ng tao ay hinayaan niya para subukan kung papaano mo ito gagamitin,alam naman siguro ng pastor na ito ang tamang paggamit ng amplifier at ang lakas nito.anim,pito,walo?kahit sampu pa ay sapat na ang karaniwang boses lang tama ba?

Isa pa ang mabuting tagasunod ng dakilang diyos ay hindi nakakaperwisyo ng kapwa,bagkus ay nakakatulong.Nakasaad din sa bibliya na lalabas ang mga huwad na tagaturo ng salita ng diyos mga nanliligaw ng pananampalataya,gagamitin ang pangalan nya at ililigaw ang sinumang susunod,maghahasik ng kaguluhan at di pagkakaunawaan sa ibang mananampalataya hanggang mabaon ang tao sa maling paniniwala at aral.At higit sa lahat hindi ka si juan o ang makabagong juan wala na nun.Nakasulat na wala na siyang kakausaping pisikal o ispiritwal hanggang sa dumating ang pangalawang paghuhukom ang APOKALIPSIS.

Hindi bingi ang diyos!!! ang tahanan nya ay ang puso ng tao,taimtim na panalangin lang ang kailangan,hindi kailangang ipagsigawan.

Wednesday, September 26, 2007

Pasasalamat

Salamat o diyos sa bagong yugto ng aking buhay
sa pagbigay mo sakin ng mga mahal sa buhay

sa aking pamilya na mapagmahal

sa mga magulang,sa nanay ko na nag alaga sa akin at minahal ako ng lubos

sa tatay ko na gumabay sa tuwid na landas

sa aking mga kapatid na nagpasaya at nakasama ko sa paglaki.



Sa madaming kaibigan na aking nakilala

mga kaibigan mula pa pagkabata

at mga kaibigan na nadagdag pa

sa mga kaibigan ko sa kalikasan

sa mga kaibigan sa kalokohan at kasiyahan

salamat at nandyan sila

Salamat din po at binigyan nyo ko ng makakasama sa buhay

isang kasama na mapagtiis,maalalahanin,at mapagmahal

salamat at binigay nyo sya sa akin salamat at nandyan si Cha



Salamat din po sa mga aral sa buhay na aking natutunan

sa mga mga pagsubok na nagpatatag sa akin

sa lahat ng tagumpay na aking nakuha

sa kalikasan,at sa mga biyaya na iyong ibinigay



Higit po sa lahat salamat sa araw na ito

sa araw na ibinigay mo sa akin ang tyansa na mabuhay sa mundo

sa araw na pinakamasaya sa buhay ko

Salamat po sa Kaarawan ko.

Saturday, September 15, 2007

"ANAWANGIN" OBRA NG MAY LIKHA

Napakahiwaga talaga ng kagandahan ng kalikasan,marahil ito'y gawa kasi ng dakilang manlilikha.Matagal na akong namumundok upang kahit minsan ay masilayan ko ang ganda ng obra ng diyos,na hindi na makikita sa siyudad na aking kinalakihan.Ngunit ngayon 'di lang obra ang kanyang ipinakita ,kundi isa sa kanyang mga gawa na talagang tumatak sa aking puso at isipan,isang pagpapatunay kung gaano siya kadakila.

Alas 3 ng umaga halos 'di na rin ako nakatulog sa sobrang kasabikan na aking nadarama nakahanda na lahat ng aking kailangan,gising na rin ang mahal kong si ka enigma handa na rin para masilayan ang isang sorpresang sa amin ay naghihintay.Dumating kami sa metropolis dakong alas 4 ng umaga,nandun na at naghihintay si ka oldskul isa sa aming makakasama,sandali pa at dumating na ang dalawa pa si ka moymoy at ka shayne.Lulan ng isang pampasaherong sasakyan tumulak kami patungong pasay at doon naghihintay ang dalawa pa sa aming makakasama si ka melchor at ka zkey.Alas 5 ng umaga naglakbay kami patungong sn.Antonio,Zambales mahigit 3 oras din kami sa nakakahilong biyahe ,O ako lang yata ang nahilo dahil hindi ako sanay bumiyahe ng malayo.Narating namin ang palengke ng Sn.Antonio namili kami ng mga pagkain,tubig at iba pang kakailanganin.Alas 10 ng umaga tumungo kami sa bayan ng Pundakit at doon nakilala namin si ka arlene,may ari ng sam's resort at arkilahan n bangka na maghahatid sa amin.Halos kalahating oras lulan ng dalawang bangka sa malawak na dagat narating namin ang lugar na kung tawagin ay ANAWANGIN.Pagbaba pa lang sa bangka ay parang tumigil na ang oras sa kagandahan at katahimikan ng paligid.Di na ko nakatulong sa pagbaba ng gamit sa sobrang pahanga.Iginala ko ang aking mga mata at dinama ko ang kapayapaan ng paligid,mga pine trees,malamig na hangin mula sa dagat,mga bundok sa paligid at payapang alon ang bumusog sa aking mga mata.Sinalubong kami ni ka manuel ng may ngiti,tagapagbantay at tagapangalaga ng lugar,naikwento nya sa amin na ang anawangin dati ay simpleng tabing dagat lamang,ngunit dahil sa paputok ng Mt.Pinatubo sa kabila ng trahedya ay lumitaw ang bagong anawangin na nagpapahiwaitg na laging may pag-asa ang buhay ng tao dahil sa kagandahang taglay nito.Naghanda kami ng pahingahan at ang iba hinanda ang tanghalian,nakakatuwang isipin na hindi kami magka-kamag anak ngunit nandito kami nagtutulungan,daig pa ang magkakapatid.Na isip ko tuloy kundi ba sa mga obrang ito ganito din kaya kami magtuturingan?Pinagsaluhan namin ang masarap na tanghalian espesyal kasi ang luto pritong tilapia,buttered vegetables at ice tea.(kakagutom no?) Pagkapahinga dumating na ang hinihintay ko ang libutin ang paligid at namnamin ang biyaya nito sa tao,napansin ko ang ma puno na nakatanim ng maayos at napakalinis ng paligid ang mga bato sa gilid ng bundok ay parang nililok na may ibat ibang korte disenyo.napakahaba din ng dalampasigan na hinahalikan ng nag aanyayang dagat.Pumasok kami sa loob ng gubat at nakita namin ang payapang batis,isang tahimik at npakagandang batis na nagmumula sa isang bukal at pinalamutian ng bakwan at iba pang mga puno sa paligid nito.Nagpatuloy kami sa paglakad at tumambad sa amin ang isang maluwag na parang.Di ako makapaniwala na magkukubli dito ang isang magandang tanawin na pinalibuan ng ma puno at matataas na bundok.Sa t.v. ko lang kasi madalas makita ang ganito at karamihan ay sa ibang bansa pa.Ngunit ngayon ako mismo ang nakaranas at nakayapak dito.Nagbabadyang umulan kaya't pinasya na naming bumalik nananakbo na kami pabalik prang mga bata na naghahabulan sa pagbuhos ng ulan.Di na nakatiis lumusong kami sa dagat at sinalubong ang mga puting alon na pinatataas ng hangin.Masarap talagang maligo sa dagat habang naulan,hindi malamig at medyo malakas ang alon,tumila ang ulan at nagpakita ang isang bahaghari na parang nagsasasbi na ito'y bas bas mula sa lanit para sa amin na nakapunta sa luar na ito.Nahanda kami ng hapunan at nagluto ako ng espesyal na sinigang at pulang itlog na may kamatis.Pagkatapos kumain ay ay naghanda kami ng inumin para sa aming kasiyahan at nakilala namin ang ibang bisita na pumunta din sa anawangin,tinawag namin silang mga panday at mga diwata(hehehe dahil yun sa mga kwento nilang nakakatawa)Natulog kami sa sobrang pagod at kakatawa sa isang abi na puno ng kasiyahan sa mga bago naming kaibian.Kinaumagahan isang masarap na almusal ang aming pinagsaluhan at naghanda ng umalis,nagpaalam sa mga bagong kaibigan at sa huling sandali ay nilakad ko ang dalampasigan nagpaalam ako at napasalamat.Hindi ko malilimutan ang lugar kung saan ko nakita ang pagiging malikhain ng diyos at kung paano niya pinapasaya ang ma tao.Sana mapangalagaan ng mga taong dumarayo sa lugar na to ang isang dakilang regalo na tulad ng ANAWANGIN.SIDETRIP:

Bago kami umuwi ay dumaan kami sa isang isla ang sikat na Capones Island(dito kuha ang ibang scene sa marimar ngayon)Sa kasamaang palad malakas at malalaki ang alon di kami makalapit dahil sa malalaking bato sa gilid ng isla,bumaba n lang kami sa isang pampang ng isla para magpahinga ngunit ayaw talaga humina ng alon kayat nagpasya na kaming umuwi.Sa mga gustong makakuha ng itenerary ng anawangin meron po akong kopya at malugod ko po itong ibibigay para makatulong.

Thursday, September 13, 2007

APOKALIPSIS


Unang post ko to kaya sisimulan ko sa paborito kong topic sa bibliya.Sana ay kapulutan nyo ng aral...
Ito ang tinatawag na apokalipsis,ang huling aklat ng bibliya ang mga paborito kong seals kung saan nkasaad ang pagbalik ng diyos sa lupa at pagharian ang mga tao.
Pampitong Mensahe:
Isulat mo sa anghel ng iglesya ng Laodicea,Ito ang sinasabi ng amen,Ang matapat at tunay na saksi ang kamula mulaan ng sang nilalang ng diyos.
Pampitong Tatak:
Nang buksan ang ikapitong tatak nagkaroon ng kalahating oras ng katahimikan sa langit.
Pampitong Trumpeta:
Paghihip ng ikapitong anghel ay narinig ang malaks na tinig sa langit,naganap na sa mundo ang pagkahari ng ating panginoon ay ng kanyang mesiyas siya ang maghahari magpakailanman.
Pampitong Kopa:
Noon ibinuhos ng ikapitong anghel ang kanyang kopa sa himpapawid at narinig sa labas ng sanktuwaryo ang isang malakas n tinig mula sa trono ."NAGANAP NA"
Ang buong detalye ng mga isinulat ko ay mababasa sa aklat ng apokalipsis,ang mga kinuha ko lang ay yung mismong hula,kayo na lang ang tumuklas ng iba pa.Isa itong pangako para sa mga tao na di niya tayo iniwan nagbabantay siya sa ating mga gawa at mga paniniwala.At darating ang panahon na magsasama sama tayo sa lugar na walang hanggang kapayapaan.Para sa mga kaibigan kong nagpapatuloy na pangalagaan at tuklasin ang kagandahan ng kalikasan na nilikha nya para sa atin.