Sunday, March 2, 2008
T@nTruM Is Back!!!
"Gumising sa realidad" Yan ang sabi sakin ni ka oldskul...Inisip kong mabuti to at sa tingin ko ay tama na ang oras na nagamit ko para sa pagpapahinga.Halos isang buwan din akong naghangad na maging totoo ang isang panaginip kahit malayong mangyari at bumalik sa mga kaibigang naging parte ng buhay ko mula pagkabata,sa mga naranasan ko sa loob ng isang buwan,naalala ko ang mga pinagdaanan namin lahat ng karanasan kong humubog sa pagkatao ko.parang bumalik lang ako sa dati kong naging buhay,maraming iniisip pero di alam kung saan sisimulan.Nagpapalipas ng oras at hinanakit sa tulong ng mga kaibigan,habang hawak ang bote ng alak.Bumalik sa pagiging bata at ibinalik ang mga ugaling walang pakialam sa buhay na bigay sa akin at buhay ng iba...Dinanas kong uli ito at inalam kung ano ng pagbabago ang nangyari sa buhay ko at buhay ng mga kaibigan ko.Marami na rin pa lang nagbago mas mahinahon kami ngayon kesa dati,at di hamak na mas matindi ang pang unawa di gaya nung una na naniniwala kami sa "walang pakialamanan" na salita, ginagalang kasi namin ang desisyon ng bawat isa at di na pinapakialaman pa,pero ngayon marurunong na atang magpayo lahat.Siguro dahil na rin sa dami ng mga pinagdaanan namin sa buhay.Maraming problema ang mga kaibigan ko di hamak na mas marami kesa sa akin,kaya naisip ko na bakit ako nagkakaganito?Wala dapat akong sinasayang na oras,pero bakit nawawala ako sa landas na dapat na tinatahak ko na.Naliligaw nga siguro ko ngayon pero ng magkausap kaming magkakaibigan napag isip isip ko na gumising at tulungan ang sarili ko.Upang makatulong din ako sa kanila,sila na minsan kong nakasama sa lahat ng bagay sa buhay ko,at kasama kong nabuhay sa mundong ginagalawan ko.Aamin kong masaya ako at naranasan kong muli ang mga bagay na ito,ang mga kalokohang nagmulat sa akin.Medyo may konting gulo pa din pagmagkakasama kaming lumalabas pero di na gaya ng dati,nakita ko ngayon sa kanila ang salitang "mapagpasensya" masaya ko sa nakikita ko at nagbigay sa akin ng inspirasyon upang hanapin kong muli ang sarili ko at ituwid ang nababaluktot kong daan.SALAMAT oldskul sa payo, at SALAMAT kapatid na pen sa pagkunsinti at pang unawa sa akin...T@nTruM Is Back!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
8 comments:
sadyang ang bawat landas ay nalikha na may kasamang liko-liko.. salamat sa mga tao na nagsilbi nating mga gabay..
sa oras ng paglalakbay, hindi naipapangako ng panahon na magiging maayos ang landas na iyong tatahakin. asahang puno ito ng lubak at putik. mga batong matutulis at mga tinik na maaring bumaon sa iyong mga paa. kung ang ilog ay patuloy na umaagos, ang tao nama'y patuloy na umaahon. hindi mahalaga kung ikaw man ay naligaw o nadapa. ang mahalaga ay kung paano mo nahanap ang tunay na landas mong dapat na tinatahak at kung paanong ikaw ay muling bumangon mula sa yurak na iyong pinagmulan.
WELCOME BACK KAPATID!!
ONE COUNTRY! ONE LOVE! ONE PRIDE!
wow! kuya na miss po kita!
madalas din akong nag-aaksaya ng oras, but sabi nga sa nabasa ko, everyday is a new beginning...pagnagkamali ka, magbago ka!
welcome back kuya!
tantrum ang tagal mong nawala. i'm glad may bago kang hain. :)
Hello. This post is likeable, and your blog is very interesting, congratulations :-). I will add in my blogroll =). If possible gives a last there on my blog, it is about the Teclado e Mouse, I hope you enjoy. The address is http://mouse-e-teclado.blogspot.com. A hug.
Hello. This post is likeable, and your blog is very interesting, congratulations :-). I will add in my blogroll =). If possible gives a last there on my blog, it is about the Monitor de LCD, I hope you enjoy. The address is http://monitor-de-lcd.blogspot.com. A hug.
Hello. This post is likeable, and your blog is very interesting, congratulations :-). I will add in my blogroll =). If possible gives a last there on my blog, it is about the Câmera Digital, I hope you enjoy. The address is http://camera-fotografica-digital.blogspot.com. A hug.
Ewan kung tama bang sabihin. Mas madaling ituwid ang landas na baluktot...kesa baguhin ang landas na akala mong tama!T.T
gud luck sa pagbabago.
Napadaan lang dahil gusto ko rin sanang mag-tantrums. Pero nagbago isip ko.
Post a Comment