Pagiging makabayan,isa sa mga kaugaliang pinoy na ipinagmamalaki natin.Ika nga ng ating pambansang awit ay "sa manlulipig di ka pasisiil" ngunit kung minsan ang salitang makabayan ay ginagamit sa pansariling hangarin at hindi para sa bayan talaga.
Kamakailan lamang isang balita ang kumalat sa buong bansa tungkol sa isang palabas na banyaga sa t.v. na diumanoy humamak sa mga paaralan ng filipinong doctor dito sa pilipinas.Wala namang esaktong eskwelahang binanggit ngunit maraming umalma,at hanggang sa internet ay dumagsa ang mga emails tungkol dito na nanghihimok makiisa sa para ipagtanggol ang mga med. skul sa pinas.Humihingi sila ng "public apology" sa artistang banyaga na nagsabi ng linyang panghahamak.Isa dw itong tuwirang panghahamak ganito kasi ang sinabi nya:(tatagalugin ko para mas malinaw)
"Maaari ko bang tingnan ang iyong diploma para makasiguro na hindi galing sa kung saang med.skul lang sa pilipinas"
Yan ang sinabi nya at dahil dito umalma sila at sinabi na ito ay panghahamak sa atin at sa ating bansa.Kung ikaw ang tatanungin ang umiral ba sa kanila ay ang damdaming makabayan o damdaming pansarili(pride for country) o (personal pride)?
Matagal ng nangyari ito mga isang buwan na rin siguro,pero minsang nanonood ng t.v. ang nanay ko,isa sa paborito niyang pang gabing palabas sa isang sikat na istasyon napokus ako sa isang parte ng palabaskung saan isang doktor na alm nating filipino(dahil itoy filipinong teleserye)ang kinontrata ng kontrabida para gumawa ng pandaraya at maglabas ng findings na sya ay nakunan at nalaglag ang bata kahit hindi naman sya buntis,yun ay para linlangin ang mayaman nyang asawa na naghahangad na mag kaanak.kapalit nito ang milyong halaga,at hindi pa nakuntento ang doktor at binantaan nya ang kontrabida na kung hindi magdadagdag ng 5 milyon ay isusumbong niya ang kanilang pandaraya(nang black mail pa).
Muli akong magtatanong anong mas nakakahamak yung salita ng banyaga o yung pagpapakita ng kapwa filipino ng mas malinaw na maling gawain ng doktor sa pilipinas?Anong panananaw mo dito?Bakit hindi umalma ang mga makabayang doktor dito,pati na yung mga sumoporta sa kanila?Ano ang magiging reaksyon mo sa dalawang klase ng panghahamak na yon?
Kung ang mag iisip ay talagang makabayan dapat parehas sila ng reaksyon o dapat parehas nilang pinuna at prinotesta ang dalawa,(sa akin nga mas malala p ung sa kapwa filipino)ngunit ang inisip kasi nila ay pansariling kapakanan lang dahil sa crab mentality.Di na nila papansinin yung kapwa nila filipino na nagpalabas ng kamalian ng doktor na mas lantaran pa at malinaw dahil ang tingin nila sa sarili nila ay mataas,samantalang mas pinansin nila ang salita ng banyaga dahil alam nilang angat ito sa kanila at ginamit ang pangalan ng bayan para himukin ang iba at palabasin na itoy para sa bansa.
Pero kung susuriin mo parehas lang naman sila na nagbabasa ng script at iniarte sa palabas sa t.v. Ang pinagkaiba lang nila ay nagtanong ng diploma ang banyaga kung galing ito sa kung saang lang med.skull sa pilipinas,kumpara sa filipino mismo na nag papabayad at nangikil pa kapalit ng pananahimik sa maling ginawa.Ano ba ang naging basehan nila sa eksenang ito?
Kung ikaw ang tatanungin ginagamot ka ba ng doktor sa pilipinas dahil sa propesyon nila o dahil sa pera?
Ikumpara natin sa pilipinas pag emergency ang kaso pagdating mo sa ospital kailangan magdeposit ka muna bago ka sikasuhin pag walang pera paunanglunas muna tapos iintayin yung deposit mo bago ka operahin o bago ka asikasuhin ulit mas madalas pa nga di ka i-aadmit.iilan lang yung tumatanggap talaga ng emergency kahit wlang pangdeposit.o kaya pumunta ka sa mamahaling ospital at mabaon ka na sa utang.
Sa U.S. naman kung napapanood mo ung 911,diretso ka na agad sa emergency gagwin ang lahat para mabuhay ka.kailangan ko pa bang dagdagan?
At bakit maraming filipinong doktor ang nag aaral maging nurse para lang makapangibang bansa at magtrabaho ng nurse doon kesa maging doktor dito sa pilipinas?Dahil di ba sa pera?
Ibalik natin sa una,kaya ba mas pinansin nila ng sinabi ng banyaga ay dahil mas angat ito sa kanila at siguradong mapapansin sila?kumpara sa ginawa ng filipino na dito lang pag uusapan at hindi na lalabas ng bansa kaya di nila pinansin?
Muli pride for country o pride sa sarili?propesyon ba o para mapansin lang?
3 comments:
mantika na lang ang kulang para maPRIDE ang mga pinoy!
nakakainis isipin na ang dalawang bagay ay nawawala lagi sa lugar or di alam hawakan ng mga pilipino - ang pera at pride! na kadalasan ay nakakasira sa imahe ng mabubuti...
kuya ang ganda po ng post u!ang galing pa!grabe!hands-down po atoh! keep on writing po!
Mgaling Magaling Magaling.....
Paano natin ngayon babaguhin ang sistema Tantrum? Saan tayo magsisimula? Kung saan nung kahit sa panahon pa ng mga datu, rajah, ng mga bayani natin ay marami ng bulok ang pag-iisip. Bunga ba ito sa kinakain ng tao?hehehe. Kung magtinapay kaya tao at huwag masyadong magkanin?
Sabi nga sa isang posting ni idol GraceMags na kung totoo nga ang sinasabi ni Rizal na "Our country is afflicted by social cancer" paano pa kaya ngayong lumipas na ang daang taon? Bulok na bulok na talaga ang bansa. Zombie na ang mga tao dito. Walang pakiramdam at walng gagawin kundi mangagat ang maging zombie ka na rin.
Ganda ng posting mo kaya napahaba ang comment.hehehehe..Sensya na huh... musta na lang dyn.....Godbless
kung ako ang tatanungin ka zkey,ang gamot ay nasa sariling mga pag-iisip ng tao.yun lang kailangan ng matinding pagtanggap na kung ano lang ang kakayahan natin ay yun lang muna at kailangan pa nating pag-igihin at pag yamanin ang sarili para tayo umangat.hindi yung pag mas angat sa atin ay kakagatin natin at hihilahin pababa sa kung nasaan ang bansa natin ngayon.malungkot na katotohanang kailangan nating tanggapin lahat...kumbaga ang simula ay sa atin munang sariling bansa sa pagtama ng mali,bago natin pansinin ang mali ng ibang bansa...
Post a Comment