Tuesday, July 29, 2008

Para Sa Bayan




Ito ay gawa namin bago pa ang pinagmamalaking sona ng presidente,ginawa namin to alay sa bayan at ang nakakatuwa ay ginawa namin to sa pamamagitan ng pagti-txt sa loob lamang ng wala pang isang oras yata?Nasa shuttle pa ko nun at kasalukuyang nahihilo sa byahe(hehehe)Salamat kapatid na pen, at joanne, ganda ng nagawa natin...Salamat!!!


Pen: sa kabila ng kaliwa't kanang sakit ng lipunan, halina't isayaw ang lasing na kaisipan.. PADAYON!!!

T@nTruM: at bukas, sa paglalahad ng kasinungalingan ng nagmamalaking pamahalaan, sabay sabay tayong sumigaw ng kalayaan para sa ating bayan. PADAYON!

Pen: padayon! hindi dito nagtatapos ang laban ni juan. simula pa lamang ito ng
pakikipagniig para sa karapatang sa atinay itinanggi. tayo ay magpatuloy!

Joanne: isabay sa kalansing ng mga yelong nag-uumpugan, lipunang may anay mula sa bunbunan ng mga gahahaman... ating pagkalango, isayaw... ikampay... sa pag-asang pananampalataya na sa ating mga puso'y nag-uumapaw...

T@nTruM: LABAN PARA SA KALAYAAN! BANGON JUAN! wag kang sumuko sa panggigipit ng mapang-abusong pamahalaan. dugo't pawis na pinuhunan, wag tayong patatalo sa buwitreng gahaman! LABAN!

Pen: itaas ang telang bumabalot sa lahing nakagisnan.. isigaw ang iyong pangalan.. AKO SI JUAN! LALABAN AKO PARA SA AKING BAYAN!

T@nTruM: ako si juan! ako ay para sa bayan! at ang bayan ay para sa ating lahat! ipaglalaban ko ito kahit kapalit pa ang buhay ko! mahal ko ang bayan ko at lahat ng nagmamahal dito..MABUHAY ANG PILIPINAS!

Wednesday, June 11, 2008

System Loss


Ano nga ba ang System Loss? Sa paliwanag television ang System Loss daw ay ang nawalang konsumo ng kuryente na hinahati-hati sa mga consumer para bayaran...At isang patalastas sa t.v. na ginanapan ng isang sikat na artistang babae na ipinaliwanag ang system loss at inihambing sa yelo.Pinaliwanag nya na pagbumili ka daw ng yelo bayad ang buong bag nito,kasama ung mga natunaw na di mo na napakinabangan,parang ganun dw yung system loss.
Pero sa totoo lang di ko alam kung nag-iisip ang gumawa ng patalastas na yun o ginagawa lang tanga ang mga tao.Ikinumpara nya ang system loss sa yelo na natunaw at binayaran mo na daw yun.Pero kung iisipin mo yung yelong natunaw ay may dahilan physical at natural una ung physical talagang di gaanong tumatagal sa atin ang yelo dahil mainit dito sa atin malamang na matunaw talaga yun.at ang natural tubig kasi ang yelo kaya malamang na maging tubig din yun.Ang pakinabang mo sa yelo ay yung lamig nito.Ang system loss walang natural na pangyayari para di mo pakinabangan kasi meron kang metro at dun mo makikita kung magkano lang ang nagamit mo.Sa yelo di mo naman masusukat ang tagal ng lamig nito,at binabayaran mo to sa saradong presyo kung magkano to,di tulad ng system loss na binabayaran mo depende sa paghahati ng consumer.Ikinumpara ko ang system loss sa gasolina ng taxi(parehas kasi silang may metro)At mas madaling intindihin to...Una pag sumakay ka ng taxi may flagdown rate ikumpara natin yung flag down sa basic consumption ng kuryente sabihin na nating yun yung tax sa mga below 100watts.tapos pag umandar na ang taxi tska lng din aandar ang metro mo,ihalintulad natin ngayon yung pag andar ng taxi at metro sa pag gamit mo ng isang electric fan at sa metro din ng kuryente mo.pag nagtrapik di umaandar ang taxi mo at metro pero umaandar ang makina ng sasakyan at kumukunsumo ng gas,di mo din pinakikinabangan ang taxi dahil pwede ka na malate sa trabaho.ikumpara mo ngaun yung trapik sa brown out o black out at sa mga magnanakaw ng kuryente,at ang taxi na di umaandar pero umaandar ang makina at komukunsumo ng gas ikumpara natin sa metro mo at sa System Loss nila.Kung ikaw yung nakasakay sa taxi papayag kaba na bayaran ng sobra yung taxi dahil sa trapik?at kung ikaw ay nakasakay sa ibang taxi papayag ka bang paghatian nyo ng ibang taong nakasakay din sa ibang taxi yung nawalang gas dahil sa trapik?Yun yung System Loss kuryenteng di natin pinakikinabangan pero pinaghahatian natin para bayaraan?
Ano bang proseso sa kuryente natin?Galing sa NAPOCOR----->MERALCO----->CONSUMER.Ang binabayaran ng meralco ay ang kabuuang konsumo na nakukuha nila sa NAPOCOR tama po b?kasama na dun ung mga makinarya na gumagana sa MERALCO na ginagamit para maidistribute yung kuryenta sa mga consumer.Pag nagblack out o brown out walng kuryente ang mga CONSUMER,pero meron dun mismo sa MERALCO at patuloy p rin silang komukunsumo dahil may mga makinarya sila dun na gumagana.Alangan nama may sarili silang metro ng kuryente para sukatin ang nagagamit na kuryente ng kumpanya lang nila,pwera yung mga consumer.(yun ang di ko alam at pwedeng kasama din yun sa mga system loss na binabayaran natin ngayon).Pano tayo makakasiguro na hindi,eh di naman natin nakikita kung gaano talaga kalaki ang konsumo ng mga consumer lang dapat.At di dapat kasama yung konsumo ng kumpanya ng meralco at mga makinarya nilaSa aking palagay may kinalaman ang kumpanya mismo ng meralco sa pagtaas ng system loss nila.Dahil sila po dapat ang nagpapatupad ng seguridad at kaligtasan ng ng produkto nila sila po ang may responsibilidad.Kung may nakakapagnakaw ng kuryente yun ay dahil sa kapabayaan nila,bakit nila ipapasa ang pagbabayad ng kapabayaan nila sa ibang tao,kapabayaan na isinisingil nila sa iba.Itinataas nila ang bayad sa kuryente para mahabol nila ang kinikita nila at pag bayarin ang taong bayan sa kapabayaan nila.Sana po mamulat na lahat tungkol sa isyong to na isa sa pumapatay sa taong bayan...Mabuhay ang Kalayaan at Karapatan ng mga Makabagong Pilipino!!!

Monday, May 5, 2008

Unang Ulan Ng Mayo


May paniniwala noon na ang unang ulan ng mayo ay nakakagaling. At kung magsasahod ka ng tubig galing dito at may nakita kang hayop na karaniwan ay ahas o pagon sa tubig na sinahod mo ay kailangan mo itong alagaan at poproteksyunan ka nito.

MAY 2,08: Muli kong inabutan ang unang ulan ng mayo kapalit ng pag absent ko sa trabaho.(hehehe tinamad kasi ko eh)ewan ko kung nagkataon lang pero di ko na rin pinalampas ang pagkakataon, minsan na lang kasi ko makaligo sa ulan.
Ang sarap ng pakiramdam ang lamig ng hangin kasabay ang malamig na tubig ulan, nakakatuwang panoorin ang mga batang nagtatampisaw sa tubig at walang sawang naghahabulan, parang di na napapagod.

Nakatayo ako sa gitna ng unang ulan ng mayo ngayong taon na to, naaalala kong dati rin akong nagtatatakbo habang nakikipaglaro sa gitna ng malakas na ulan at madalas naming antaying magkakaibigan ang pagbuhos nito.Madalas pa nga kong mapalo dahil tumatakas ako sa bahay makaligo lang sa ulan. Simula pagkabata ko hanggang magcollege sama sama kaming naliligo sa ulan parang walang problema, nakakalimutan namin lahat, ang pagpapatawag ng magulang sa school dahil sa cutting classes,ang yabangan sa basketball,pakikipag away sa school lahat yan pati na yung tungkol sa mga crush.

Ilang ganitong ulan na rin ang pinagsamahan namin binalikan ko lahat ng masama at mabuting nangyari sa akin, pati na yung masasaya at malungkot. Lagi kong naaalala lahat ng ito kapag naulan. ewan ko ba kung bakit? Ano na nga bang nangyari sa akin, sa dami ng ulan na ang dumaan sa buhay ko?

Tumagal ako ng walong taon sa trabaho pagkagraduate ko ng college, At hanggang ngayon ay nagtatrabaho pa rin ako. Nakapagpundar ng mga gamit, Una ko atang binili eh Electric Fan, tapos T.V., Kutson, mga gamit sa pamumundok, mga damit, Naipaayos ko na din ang munti naming bahay, at nakabili ako ng motorcycle(gamit ko na service sa pagpasok sa trabaho nahihilo kasi ko sa service na bus ng company namin.hehehe).
Pero ano pa kaya ang mangyayari sa buhay ko? Kuntento na ba ko kung anong meron ako ngayon? Sa hirap ng buhay ngayon? Ilang unang ulan pa kaya ng mayo ang makakaligo ako, kung ang isang to ay natsambahan ko lang dahil absent ako sa trabaho?

Para kong bumalik sa realidad ng kalabitin ako ni Enigm@ dahil tapos na ang ulan at giniginaw na ang mga pamangkin nya na walang ginawa kundi ang yumakap sa kanya dahil sa lakas ng kulog.
Masaya ko ngayong araw na to...Salamat sa Ulan!!!

Sunday, March 2, 2008

T@nTruM Is Back!!!


"Gumising sa realidad" Yan ang sabi sakin ni ka oldskul...Inisip kong mabuti to at sa tingin ko ay tama na ang oras na nagamit ko para sa pagpapahinga.Halos isang buwan din akong naghangad na maging totoo ang isang panaginip kahit malayong mangyari at bumalik sa mga kaibigang naging parte ng buhay ko mula pagkabata,sa mga naranasan ko sa loob ng isang buwan,naalala ko ang mga pinagdaanan namin lahat ng karanasan kong humubog sa pagkatao ko.parang bumalik lang ako sa dati kong naging buhay,maraming iniisip pero di alam kung saan sisimulan.Nagpapalipas ng oras at hinanakit sa tulong ng mga kaibigan,habang hawak ang bote ng alak.Bumalik sa pagiging bata at ibinalik ang mga ugaling walang pakialam sa buhay na bigay sa akin at buhay ng iba...Dinanas kong uli ito at inalam kung ano ng pagbabago ang nangyari sa buhay ko at buhay ng mga kaibigan ko.Marami na rin pa lang nagbago mas mahinahon kami ngayon kesa dati,at di hamak na mas matindi ang pang unawa di gaya nung una na naniniwala kami sa "walang pakialamanan" na salita, ginagalang kasi namin ang desisyon ng bawat isa at di na pinapakialaman pa,pero ngayon marurunong na atang magpayo lahat.Siguro dahil na rin sa dami ng mga pinagdaanan namin sa buhay.Maraming problema ang mga kaibigan ko di hamak na mas marami kesa sa akin,kaya naisip ko na bakit ako nagkakaganito?Wala dapat akong sinasayang na oras,pero bakit nawawala ako sa landas na dapat na tinatahak ko na.Naliligaw nga siguro ko ngayon pero ng magkausap kaming magkakaibigan napag isip isip ko na gumising at tulungan ang sarili ko.Upang makatulong din ako sa kanila,sila na minsan kong nakasama sa lahat ng bagay sa buhay ko,at kasama kong nabuhay sa mundong ginagalawan ko.Aamin kong masaya ako at naranasan kong muli ang mga bagay na ito,ang mga kalokohang nagmulat sa akin.Medyo may konting gulo pa din pagmagkakasama kaming lumalabas pero di na gaya ng dati,nakita ko ngayon sa kanila ang salitang "mapagpasensya" masaya ko sa nakikita ko at nagbigay sa akin ng inspirasyon upang hanapin kong muli ang sarili ko at ituwid ang nababaluktot kong daan.SALAMAT oldskul sa payo, at SALAMAT kapatid na pen sa pagkunsinti at pang unawa sa akin...T@nTruM Is Back!!!

Friday, October 19, 2007

PANANAW



Pagiging makabayan,isa sa mga kaugaliang pinoy na ipinagmamalaki natin.Ika nga ng ating pambansang awit ay "sa manlulipig di ka pasisiil" ngunit kung minsan ang salitang makabayan ay ginagamit sa pansariling hangarin at hindi para sa bayan talaga.

Kamakailan lamang isang balita ang kumalat sa buong bansa tungkol sa isang palabas na banyaga sa t.v. na diumanoy humamak sa mga paaralan ng filipinong doctor dito sa pilipinas.Wala namang esaktong eskwelahang binanggit ngunit maraming umalma,at hanggang sa internet ay dumagsa ang mga emails tungkol dito na nanghihimok makiisa sa para ipagtanggol ang mga med. skul sa pinas.Humihingi sila ng "public apology" sa artistang banyaga na nagsabi ng linyang panghahamak.Isa dw itong tuwirang panghahamak ganito kasi ang sinabi nya:(tatagalugin ko para mas malinaw)

"Maaari ko bang tingnan ang iyong diploma para makasiguro na hindi galing sa kung saang med.skul lang sa pilipinas"

Yan ang sinabi nya at dahil dito umalma sila at sinabi na ito ay panghahamak sa atin at sa ating bansa.Kung ikaw ang tatanungin ang umiral ba sa kanila ay ang damdaming makabayan o damdaming pansarili(pride for country) o (personal pride)?

Matagal ng nangyari ito mga isang buwan na rin siguro,pero minsang nanonood ng t.v. ang nanay ko,isa sa paborito niyang pang gabing palabas sa isang sikat na istasyon napokus ako sa isang parte ng palabaskung saan isang doktor na alm nating filipino(dahil itoy filipinong teleserye)ang kinontrata ng kontrabida para gumawa ng pandaraya at maglabas ng findings na sya ay nakunan at nalaglag ang bata kahit hindi naman sya buntis,yun ay para linlangin ang mayaman nyang asawa na naghahangad na mag kaanak.kapalit nito ang milyong halaga,at hindi pa nakuntento ang doktor at binantaan nya ang kontrabida na kung hindi magdadagdag ng 5 milyon ay isusumbong niya ang kanilang pandaraya(nang black mail pa).

Muli akong magtatanong anong mas nakakahamak yung salita ng banyaga o yung pagpapakita ng kapwa filipino ng mas malinaw na maling gawain ng doktor sa pilipinas?Anong panananaw mo dito?Bakit hindi umalma ang mga makabayang doktor dito,pati na yung mga sumoporta sa kanila?Ano ang magiging reaksyon mo sa dalawang klase ng panghahamak na yon?
Kung ang mag iisip ay talagang makabayan dapat parehas sila ng reaksyon o dapat parehas nilang pinuna at prinotesta ang dalawa,(sa akin nga mas malala p ung sa kapwa filipino)ngunit ang inisip kasi nila ay pansariling kapakanan lang dahil sa crab mentality.Di na nila papansinin yung kapwa nila filipino na nagpalabas ng kamalian ng doktor na mas lantaran pa at malinaw dahil ang tingin nila sa sarili nila ay mataas,samantalang mas pinansin nila ang salita ng banyaga dahil alam nilang angat ito sa kanila at ginamit ang pangalan ng bayan para himukin ang iba at palabasin na itoy para sa bansa.

Pero kung susuriin mo parehas lang naman sila na nagbabasa ng script at iniarte sa palabas sa t.v. Ang pinagkaiba lang nila ay nagtanong ng diploma ang banyaga kung galing ito sa kung saang lang med.skull sa pilipinas,kumpara sa filipino mismo na nag papabayad at nangikil pa kapalit ng pananahimik sa maling ginawa.Ano ba ang naging basehan nila sa eksenang ito?

Kung ikaw ang tatanungin ginagamot ka ba ng doktor sa pilipinas dahil sa propesyon nila o dahil sa pera?

Ikumpara natin sa pilipinas pag emergency ang kaso pagdating mo sa ospital kailangan magdeposit ka muna bago ka sikasuhin pag walang pera paunanglunas muna tapos iintayin yung deposit mo bago ka operahin o bago ka asikasuhin ulit mas madalas pa nga di ka i-aadmit.iilan lang yung tumatanggap talaga ng emergency kahit wlang pangdeposit.o kaya pumunta ka sa mamahaling ospital at mabaon ka na sa utang.

Sa U.S. naman kung napapanood mo ung 911,diretso ka na agad sa emergency gagwin ang lahat para mabuhay ka.kailangan ko pa bang dagdagan?

At bakit maraming filipinong doktor ang nag aaral maging nurse para lang makapangibang bansa at magtrabaho ng nurse doon kesa maging doktor dito sa pilipinas?Dahil di ba sa pera?

Ibalik natin sa una,kaya ba mas pinansin nila ng sinabi ng banyaga ay dahil mas angat ito sa kanila at siguradong mapapansin sila?kumpara sa ginawa ng filipino na dito lang pag uusapan at hindi na lalabas ng bansa kaya di nila pinansin?

Muli pride for country o pride sa sarili?propesyon ba o para mapansin lang?

Friday, September 28, 2007

HIP HOP O ROCKERS (KATUWAAN LANG)

Isa akong 25 yrs old na hip hop,9 yrs old pa lang ako ng mahiligan kong magsuot ng maluluwang na t-shirt at pantalon.Nakinig at sinaulo ang mga rap ni Andrew E.,Francis M.,Masta plann, at Tropical depression.(mga sikat nung 9yrs old pa ko)Nagkaroon din ako ng mga tropa nung high skul at colledge,puro hip hop kami nasali pa nga ako sa gang isa sa tatlong unang gang sa manila ang AVENUES.

ngayon nagtatrabaho na ko nagkaroon ako ng barkadang mga tinatawag na ROCKERS mga naririnig ko lang nung high skul ako.Mga mahilig sa banda,fit na damit at pantalon.Minsan pag nagkukwentuhan kami madalas kaming magbiruan tungkol sa magkaibang porma namin,minsan ipinasulat ko sa isang tropa kong ROCKERS kung ano ba talaga ang nagustuhan nila sa trend nila at bakit ayaw niya maging hip hop at ito ang sabi niya:




  • Name: Christian Cutamora
  • AkA: Xtian

  • Age: 26

  • Trend: Rockers

  • Type of Music: Rap Metal Daw

Ito ang sinulat nya:Bakit ayaw ko sa hip hop?

Isang araw habang nagbabantay ako ng makina ko(sa trabaho )binulabog ako ng maligalig kong kaibigan(ako daw yon)tinanong nya ko kung bakit ayoko sa hip hopang naging sagot ko ayoko ng way of life nila ang hihilig sa mga sosyalan pagnagdukutan naman(patak patak daw)ng bulsa walang kang perang makikita sa kanila(wow mukhang galit agad ah?)tsaka kumpara mo ang mga hip hop sa pinas ni wala akong maalalang grupo na nagtagal music industry buti na lang nandyan si Francis M."my men with matching taas ng kamay" at si Andrew E.(wow mukhang malamig na ata ang ulo)Nagkaroon nga kayo ng puwang sa industriya pagkatapos ng dalawang yon wala na(yung sinabi nyang dalawang rapper)Nagkakaaway away kaya hanggang ngayon underground parin(galit nanaman ata)Hindi gaya namin dekada sisenta pa lang namamayagpag na kami,lalo na ngayon sa katauhan ng bandang keso,greyhounds,at slapshock(bat di nya sinama ung dekada sitenta si elvis at pepe smith)kasama pa ng ibang banda lalo kaming lumalakas anong ginagawa nyo ngayon par mapansin sa industriyanakikipag colaborate kayo sa amin para mapansin buti na lang maganda ang kinakalabasan kung hindi sa khangkhungkernitz na lang kayo pupulutin(sa kangkungan daw)Eto pa ang isa di nyo kayang tapatan ang mga rock concert namin gaya ng summerslam @ red horse muziklaban na taon taon ginagawa di pa kasama dyan ang kabilaang battle of the bandz na makikita mo saan mang lupalop ng pinas.

Pag usapan naman natin ang music nyo nakit ang hilig nyong kunin ang chorus ng kanta tapos dadagdagan nyo ng konting rap ok na ang baduy naman(na diring diri ang reaksyon)o kaya magsusulat kayo ng isang kanta bibirahan ng rap konting beat at tapos titirahin nyo kung sino sino ano bang pakialam nyo sa buhay nila unahin nyo muna pakialaman ang buhay nyo letse(wahahaha galit na ata talaga)

O sa porma naman tayo napansin ko lang hamakapagsuot lang ng maluwang hip hop na yon at yon din naman ang porma naka Fubu ka nga kaya Fuburito mong suotin(wahahaha pati brand ng damit ko nakita)yuck walang laba laba.Ayoko ng magsalita ng masasakit tungkol sa inyo kasi may mga kaibigan din akong hip hop tska infairness(bading accent)maganda din naman ang kinakalabasan ng rap @ rock=rap metal yun ang tugtugan namin ng banda ko ngayon.

wahahaha ako naman ngayon hehehe sempre babawi ako.

  • Name: TanTrum Cliff Mordoff
  • AkA: TanTruM 7thSign
  • Age: 26
  • Trend: Hip Hop
  • Type of Music: Rap

ito naman ang sinulat ko:Bakit ayaw ko sa Rockers?

unang una sa porma pa lang pangit na ang hilig sa fitted jeans at damit na pinupunitan style daw kasi yun eh di ba sa construction ginagawa un para makakilos ng maayos sa trabaho?tsaka ang papayat naman para mag fit puro bones,parang mga kulang sa pagkain,ang hilig sa leather jacket kahit mainit ang panahon,mahilig din mag gel kahit di naliligo ung iba nga puti pa ng itlog ang gamit para daw mas matigas ang buhok.May nagpapadreadlocks kahit di naman bagay mukha lang taong grasa,at akala ko ba makabayan ang image nyo eh diba ang dreads ay sa mga negro nagmula?at bakit may picture kayo ni che guevarra sa t-shirt di ba dapat si rizal o kaya si bonifacio o kaya si diego silang tama ba?May tinatawag din na emo yung onesided ang buhok na mukhang bading na may sayad dahil sa kapal ng eye shadow at mahilig magpapicture sa top view at side view basta isang mata lang ang kita na medyo nakatirik.tsaka parang mga hindi naliligo ng tatlong araw pag aatend ng mga tinatawag nilang gig.Naaalala ko pa nga na nagkaroon ng stampede sa isang rock concert na may mga nasugatan at namatay,dahil ba sa stampede o dahil sa baho ng katabi at dumagan sa kanila.(mas yuckie di ba?)meron pang mga nakachucktailor shoes na panahon pa nga ata ng dekada sitenta wala ng ibang porma kundi dekada sitenta kaya bata pa mukha ng lolo.tsaka parang mga may sakit dahil ang dudungis nga tingnan lagi pang may nakasukbit na bag ung pang kartero.Tapos parang may mga sayad parang laging galit may bigla na lang magtatambol kahit saan basta pwede paluin,pati sarili ginigitara tapos ung tunog ung boses nila na ginagaya ung tunog ng gitara.may biglang sisigaw kumakanta na pala parang sinasapian naman ung kanta(kung nakapanood kayo ng exorsism of emily rose parang ganun)

Sa music naman tayo pag umatend ka ng concert nila o kahit mapanood mo lang sa t.v. wala kang makikita kundi mga nagtatalunang ungas parang mga palaka lang.tpos may bigla na lang magbubungguan tapos may magkukulapse un pala napasubsob na sa kilikili ng katabi nya.(yuck nanaman)pawisan pa naman nako di ko maisip ang amoy.At ito pa yung nasa stage may tinatawag na growl yung parang insapian ung boses yun na simula na ng bungguan slaman at may dinilaan pa daw syang babae sa kilikili(suka na ko)May sumisikat nga sa banda pero mas marami din ang bumabagsak mas marami pa ngang nagkakawatak watak dahil tumataas ang ere.Tapos yung mga bagong banda ang wierd ng mga porma para lang mapansin may nagdadamit babae may nagsuot ng spiderman costume pero karamihan ginagaya ung porma sa ibang bansa.ang baduy di ba?At isa pa ilan lang ba sa banda ang may magandang nagawang kanta?yung original yung sound?yung talagang sasabihin mong sila ang original?wala naman eh.At ang pangit pa nun eh pare pareho yung tinutukoy sa kanta wala na ngang sense yung iba.lalo na yung mga bandang pinoy.Tsaka bakit nyo pinoportaite ung sign ng devil ung sign ng mga rockers sa kamay,tsaka bat gusto nyo maging anti christ un ba ang magandang trend ung pagiging anti christ.di ba pangit yun kaya pala karamihan ng movie na may devil ang porma ay leather jackets at pati mga kontrabida sa pelikula.heheheheh mga rockers din b sila?

wahahaha! natapos din sa totoo lang habang ginagawa ko to tawa ko ng tawa,kasi ung kapatid ko rockers pinabasa ko sa kanya tawa din ng tawa.nagpalitan pa nga kami ni xtian ng sinulat bago ko i post to.nauwi nanaman sa katatawanan,kahit naman kasi magkaiba ang trend namin magtotropa kami konting kulitan,konting asaran parang mga bata lang sarap bumalik sa pagkabata di ba?Ang mga ganitong trend ang paraan ng mga kabataan ngayon upang maipahayag ang kanilang sarili.Isa rin itong paraan ng komunikasyon at pakikipagkaibigan.Sila ang mga tropa kong ROCKERS!!!

Thursday, September 27, 2007

BINGI BA ANG DIYOS KAPAG LINGGO?




Araw nanaman ng linggo,galing sa pang gabing trabaho ay naghahabol nanaman ako ng tulog.Marahil sa iba ay masaya ang araw na to dahil araw ito ng pamilya at diyos,ganundin naman sa amin ngunit sa eskinita namin ay may 'di magandang nagnyayari.

Sa araw kasi na 'to,araw ng pagsamba sa ganap na alas tres hanggang alas sais ng hapon ay may pamilyang born again ang nagsasagawa ng pag aaral ng bibliya(di ko na lang babanggitin ung name ng grupo nila) sa pamumuno ng padre de familya nila na pastor daw?

Tuwing linggo na lang ay kailangan kong pagtiisan ito,magsisimula sila sa pagtono ng gitara,mikropono at amplifier ng malakas ang tunog,hindi man lang inisip na nasa iang komunidad sila na dikit dikit ang bahay at maaari silang makabulahaw.Isang araw ng linggo napabalikwas kami dahil sa ingay na likha nila at nagising ang bata na anak ng kapatid ko.nilapitan sila ng aking ina upang sabihan na pakihinaan naman dahil nakakabulahaw.ngunit ng silay magsimula na sa tinatawag nilang bible study ay iniharap nila ang isang malaking speaker sa aming bahay at nagsisigaw sa mikropono(nakalimutan kong sabihin na ang pwesto nila ay sa ikalawang palapag ng kanilang bahay walang dingding,bubong lang at naka open air)ipinagsisigawan nila na kinakalaban dw namin sila sa kanilang matuwid daw na gawain at paratangan pa kaming mga kampon ng demonyo sa pamamagitan ng di tuwirang pagsabi(pagpaparinig) at dapat daw ay magpasalamat pa kami sa kanilang ginagawa dahil meron pa daw isang juan na kagaya nya(ikinumpara nya ang kanyang sarili kay juan bautista sa dw iyon ngayon)at ang sabi pa ay kung may juan noon may bagong juan ngayon.(sya daw yon)

Alam ko ang ibig sabihin ng kalayaan ng pagpapahayag ng sarili pati ang batas ukol dito,pero ito ay dapat nasa tamang lugar at hindi nakakaperwisyo ng kapwa malayang tao,tama po b?Sa aking pag iisip sa kanyang mga sinabi naisip ko din na Nais ba ng diyos na makabulahaw ka ng kapwa mo?Nais ba ng diyos na ipagsigawan mo ang iyong ginagawa sa ngalan niya?sa isang malakas na tunog ng mikropono kahit aanim lang kayo,at sa tingin ko ay kahit walang amplifier ay magkakaintindihan kayo?di nya rin naman kailangan lekturan ang mga kapitbahay dahil lahat naman ay mga sibilisado,ang ibig kong sabihin ay may sariling relihiyon.Di ako laban sa kanyang ginagawa dahil ito'y makadiyos,ngunit sa isang sibilisadong relihiyon kahit si jesus ay nagpunta sa simbahan ang ibig kong sabihin ay meron silang bahay sambahan at hindi sa bahay ni jose na amang tao niya.Nangaral siya sa daan ngunit di siya nagsisigaw at nangbulahaw,ni hindi niya pinilit na sumama sa kanya ang mga tao kundi kusang loob at di sapilitan pagsamba.Ipinangaral din nya na mas kalulugdan nya ang mga taong nagdadasal ng taimtim keysa sa mga taong ipinagsisigawan ang kanilang panalangin.Ang pagiging sibilisado ng tao ay hinayaan niya para subukan kung papaano mo ito gagamitin,alam naman siguro ng pastor na ito ang tamang paggamit ng amplifier at ang lakas nito.anim,pito,walo?kahit sampu pa ay sapat na ang karaniwang boses lang tama ba?

Isa pa ang mabuting tagasunod ng dakilang diyos ay hindi nakakaperwisyo ng kapwa,bagkus ay nakakatulong.Nakasaad din sa bibliya na lalabas ang mga huwad na tagaturo ng salita ng diyos mga nanliligaw ng pananampalataya,gagamitin ang pangalan nya at ililigaw ang sinumang susunod,maghahasik ng kaguluhan at di pagkakaunawaan sa ibang mananampalataya hanggang mabaon ang tao sa maling paniniwala at aral.At higit sa lahat hindi ka si juan o ang makabagong juan wala na nun.Nakasulat na wala na siyang kakausaping pisikal o ispiritwal hanggang sa dumating ang pangalawang paghuhukom ang APOKALIPSIS.

Hindi bingi ang diyos!!! ang tahanan nya ay ang puso ng tao,taimtim na panalangin lang ang kailangan,hindi kailangang ipagsigawan.