Monday, May 5, 2008

Unang Ulan Ng Mayo


May paniniwala noon na ang unang ulan ng mayo ay nakakagaling. At kung magsasahod ka ng tubig galing dito at may nakita kang hayop na karaniwan ay ahas o pagon sa tubig na sinahod mo ay kailangan mo itong alagaan at poproteksyunan ka nito.

MAY 2,08: Muli kong inabutan ang unang ulan ng mayo kapalit ng pag absent ko sa trabaho.(hehehe tinamad kasi ko eh)ewan ko kung nagkataon lang pero di ko na rin pinalampas ang pagkakataon, minsan na lang kasi ko makaligo sa ulan.
Ang sarap ng pakiramdam ang lamig ng hangin kasabay ang malamig na tubig ulan, nakakatuwang panoorin ang mga batang nagtatampisaw sa tubig at walang sawang naghahabulan, parang di na napapagod.

Nakatayo ako sa gitna ng unang ulan ng mayo ngayong taon na to, naaalala kong dati rin akong nagtatatakbo habang nakikipaglaro sa gitna ng malakas na ulan at madalas naming antaying magkakaibigan ang pagbuhos nito.Madalas pa nga kong mapalo dahil tumatakas ako sa bahay makaligo lang sa ulan. Simula pagkabata ko hanggang magcollege sama sama kaming naliligo sa ulan parang walang problema, nakakalimutan namin lahat, ang pagpapatawag ng magulang sa school dahil sa cutting classes,ang yabangan sa basketball,pakikipag away sa school lahat yan pati na yung tungkol sa mga crush.

Ilang ganitong ulan na rin ang pinagsamahan namin binalikan ko lahat ng masama at mabuting nangyari sa akin, pati na yung masasaya at malungkot. Lagi kong naaalala lahat ng ito kapag naulan. ewan ko ba kung bakit? Ano na nga bang nangyari sa akin, sa dami ng ulan na ang dumaan sa buhay ko?

Tumagal ako ng walong taon sa trabaho pagkagraduate ko ng college, At hanggang ngayon ay nagtatrabaho pa rin ako. Nakapagpundar ng mga gamit, Una ko atang binili eh Electric Fan, tapos T.V., Kutson, mga gamit sa pamumundok, mga damit, Naipaayos ko na din ang munti naming bahay, at nakabili ako ng motorcycle(gamit ko na service sa pagpasok sa trabaho nahihilo kasi ko sa service na bus ng company namin.hehehe).
Pero ano pa kaya ang mangyayari sa buhay ko? Kuntento na ba ko kung anong meron ako ngayon? Sa hirap ng buhay ngayon? Ilang unang ulan pa kaya ng mayo ang makakaligo ako, kung ang isang to ay natsambahan ko lang dahil absent ako sa trabaho?

Para kong bumalik sa realidad ng kalabitin ako ni Enigm@ dahil tapos na ang ulan at giniginaw na ang mga pamangkin nya na walang ginawa kundi ang yumakap sa kanya dahil sa lakas ng kulog.
Masaya ko ngayong araw na to...Salamat sa Ulan!!!