Tuesday, July 29, 2008

Para Sa Bayan




Ito ay gawa namin bago pa ang pinagmamalaking sona ng presidente,ginawa namin to alay sa bayan at ang nakakatuwa ay ginawa namin to sa pamamagitan ng pagti-txt sa loob lamang ng wala pang isang oras yata?Nasa shuttle pa ko nun at kasalukuyang nahihilo sa byahe(hehehe)Salamat kapatid na pen, at joanne, ganda ng nagawa natin...Salamat!!!


Pen: sa kabila ng kaliwa't kanang sakit ng lipunan, halina't isayaw ang lasing na kaisipan.. PADAYON!!!

T@nTruM: at bukas, sa paglalahad ng kasinungalingan ng nagmamalaking pamahalaan, sabay sabay tayong sumigaw ng kalayaan para sa ating bayan. PADAYON!

Pen: padayon! hindi dito nagtatapos ang laban ni juan. simula pa lamang ito ng
pakikipagniig para sa karapatang sa atinay itinanggi. tayo ay magpatuloy!

Joanne: isabay sa kalansing ng mga yelong nag-uumpugan, lipunang may anay mula sa bunbunan ng mga gahahaman... ating pagkalango, isayaw... ikampay... sa pag-asang pananampalataya na sa ating mga puso'y nag-uumapaw...

T@nTruM: LABAN PARA SA KALAYAAN! BANGON JUAN! wag kang sumuko sa panggigipit ng mapang-abusong pamahalaan. dugo't pawis na pinuhunan, wag tayong patatalo sa buwitreng gahaman! LABAN!

Pen: itaas ang telang bumabalot sa lahing nakagisnan.. isigaw ang iyong pangalan.. AKO SI JUAN! LALABAN AKO PARA SA AKING BAYAN!

T@nTruM: ako si juan! ako ay para sa bayan! at ang bayan ay para sa ating lahat! ipaglalaban ko ito kahit kapalit pa ang buhay ko! mahal ko ang bayan ko at lahat ng nagmamahal dito..MABUHAY ANG PILIPINAS!

Wednesday, June 11, 2008

System Loss


Ano nga ba ang System Loss? Sa paliwanag television ang System Loss daw ay ang nawalang konsumo ng kuryente na hinahati-hati sa mga consumer para bayaran...At isang patalastas sa t.v. na ginanapan ng isang sikat na artistang babae na ipinaliwanag ang system loss at inihambing sa yelo.Pinaliwanag nya na pagbumili ka daw ng yelo bayad ang buong bag nito,kasama ung mga natunaw na di mo na napakinabangan,parang ganun dw yung system loss.
Pero sa totoo lang di ko alam kung nag-iisip ang gumawa ng patalastas na yun o ginagawa lang tanga ang mga tao.Ikinumpara nya ang system loss sa yelo na natunaw at binayaran mo na daw yun.Pero kung iisipin mo yung yelong natunaw ay may dahilan physical at natural una ung physical talagang di gaanong tumatagal sa atin ang yelo dahil mainit dito sa atin malamang na matunaw talaga yun.at ang natural tubig kasi ang yelo kaya malamang na maging tubig din yun.Ang pakinabang mo sa yelo ay yung lamig nito.Ang system loss walang natural na pangyayari para di mo pakinabangan kasi meron kang metro at dun mo makikita kung magkano lang ang nagamit mo.Sa yelo di mo naman masusukat ang tagal ng lamig nito,at binabayaran mo to sa saradong presyo kung magkano to,di tulad ng system loss na binabayaran mo depende sa paghahati ng consumer.Ikinumpara ko ang system loss sa gasolina ng taxi(parehas kasi silang may metro)At mas madaling intindihin to...Una pag sumakay ka ng taxi may flagdown rate ikumpara natin yung flag down sa basic consumption ng kuryente sabihin na nating yun yung tax sa mga below 100watts.tapos pag umandar na ang taxi tska lng din aandar ang metro mo,ihalintulad natin ngayon yung pag andar ng taxi at metro sa pag gamit mo ng isang electric fan at sa metro din ng kuryente mo.pag nagtrapik di umaandar ang taxi mo at metro pero umaandar ang makina ng sasakyan at kumukunsumo ng gas,di mo din pinakikinabangan ang taxi dahil pwede ka na malate sa trabaho.ikumpara mo ngaun yung trapik sa brown out o black out at sa mga magnanakaw ng kuryente,at ang taxi na di umaandar pero umaandar ang makina at komukunsumo ng gas ikumpara natin sa metro mo at sa System Loss nila.Kung ikaw yung nakasakay sa taxi papayag kaba na bayaran ng sobra yung taxi dahil sa trapik?at kung ikaw ay nakasakay sa ibang taxi papayag ka bang paghatian nyo ng ibang taong nakasakay din sa ibang taxi yung nawalang gas dahil sa trapik?Yun yung System Loss kuryenteng di natin pinakikinabangan pero pinaghahatian natin para bayaraan?
Ano bang proseso sa kuryente natin?Galing sa NAPOCOR----->MERALCO----->CONSUMER.Ang binabayaran ng meralco ay ang kabuuang konsumo na nakukuha nila sa NAPOCOR tama po b?kasama na dun ung mga makinarya na gumagana sa MERALCO na ginagamit para maidistribute yung kuryenta sa mga consumer.Pag nagblack out o brown out walng kuryente ang mga CONSUMER,pero meron dun mismo sa MERALCO at patuloy p rin silang komukunsumo dahil may mga makinarya sila dun na gumagana.Alangan nama may sarili silang metro ng kuryente para sukatin ang nagagamit na kuryente ng kumpanya lang nila,pwera yung mga consumer.(yun ang di ko alam at pwedeng kasama din yun sa mga system loss na binabayaran natin ngayon).Pano tayo makakasiguro na hindi,eh di naman natin nakikita kung gaano talaga kalaki ang konsumo ng mga consumer lang dapat.At di dapat kasama yung konsumo ng kumpanya ng meralco at mga makinarya nilaSa aking palagay may kinalaman ang kumpanya mismo ng meralco sa pagtaas ng system loss nila.Dahil sila po dapat ang nagpapatupad ng seguridad at kaligtasan ng ng produkto nila sila po ang may responsibilidad.Kung may nakakapagnakaw ng kuryente yun ay dahil sa kapabayaan nila,bakit nila ipapasa ang pagbabayad ng kapabayaan nila sa ibang tao,kapabayaan na isinisingil nila sa iba.Itinataas nila ang bayad sa kuryente para mahabol nila ang kinikita nila at pag bayarin ang taong bayan sa kapabayaan nila.Sana po mamulat na lahat tungkol sa isyong to na isa sa pumapatay sa taong bayan...Mabuhay ang Kalayaan at Karapatan ng mga Makabagong Pilipino!!!

Monday, May 5, 2008

Unang Ulan Ng Mayo


May paniniwala noon na ang unang ulan ng mayo ay nakakagaling. At kung magsasahod ka ng tubig galing dito at may nakita kang hayop na karaniwan ay ahas o pagon sa tubig na sinahod mo ay kailangan mo itong alagaan at poproteksyunan ka nito.

MAY 2,08: Muli kong inabutan ang unang ulan ng mayo kapalit ng pag absent ko sa trabaho.(hehehe tinamad kasi ko eh)ewan ko kung nagkataon lang pero di ko na rin pinalampas ang pagkakataon, minsan na lang kasi ko makaligo sa ulan.
Ang sarap ng pakiramdam ang lamig ng hangin kasabay ang malamig na tubig ulan, nakakatuwang panoorin ang mga batang nagtatampisaw sa tubig at walang sawang naghahabulan, parang di na napapagod.

Nakatayo ako sa gitna ng unang ulan ng mayo ngayong taon na to, naaalala kong dati rin akong nagtatatakbo habang nakikipaglaro sa gitna ng malakas na ulan at madalas naming antaying magkakaibigan ang pagbuhos nito.Madalas pa nga kong mapalo dahil tumatakas ako sa bahay makaligo lang sa ulan. Simula pagkabata ko hanggang magcollege sama sama kaming naliligo sa ulan parang walang problema, nakakalimutan namin lahat, ang pagpapatawag ng magulang sa school dahil sa cutting classes,ang yabangan sa basketball,pakikipag away sa school lahat yan pati na yung tungkol sa mga crush.

Ilang ganitong ulan na rin ang pinagsamahan namin binalikan ko lahat ng masama at mabuting nangyari sa akin, pati na yung masasaya at malungkot. Lagi kong naaalala lahat ng ito kapag naulan. ewan ko ba kung bakit? Ano na nga bang nangyari sa akin, sa dami ng ulan na ang dumaan sa buhay ko?

Tumagal ako ng walong taon sa trabaho pagkagraduate ko ng college, At hanggang ngayon ay nagtatrabaho pa rin ako. Nakapagpundar ng mga gamit, Una ko atang binili eh Electric Fan, tapos T.V., Kutson, mga gamit sa pamumundok, mga damit, Naipaayos ko na din ang munti naming bahay, at nakabili ako ng motorcycle(gamit ko na service sa pagpasok sa trabaho nahihilo kasi ko sa service na bus ng company namin.hehehe).
Pero ano pa kaya ang mangyayari sa buhay ko? Kuntento na ba ko kung anong meron ako ngayon? Sa hirap ng buhay ngayon? Ilang unang ulan pa kaya ng mayo ang makakaligo ako, kung ang isang to ay natsambahan ko lang dahil absent ako sa trabaho?

Para kong bumalik sa realidad ng kalabitin ako ni Enigm@ dahil tapos na ang ulan at giniginaw na ang mga pamangkin nya na walang ginawa kundi ang yumakap sa kanya dahil sa lakas ng kulog.
Masaya ko ngayong araw na to...Salamat sa Ulan!!!

Sunday, March 2, 2008

T@nTruM Is Back!!!


"Gumising sa realidad" Yan ang sabi sakin ni ka oldskul...Inisip kong mabuti to at sa tingin ko ay tama na ang oras na nagamit ko para sa pagpapahinga.Halos isang buwan din akong naghangad na maging totoo ang isang panaginip kahit malayong mangyari at bumalik sa mga kaibigang naging parte ng buhay ko mula pagkabata,sa mga naranasan ko sa loob ng isang buwan,naalala ko ang mga pinagdaanan namin lahat ng karanasan kong humubog sa pagkatao ko.parang bumalik lang ako sa dati kong naging buhay,maraming iniisip pero di alam kung saan sisimulan.Nagpapalipas ng oras at hinanakit sa tulong ng mga kaibigan,habang hawak ang bote ng alak.Bumalik sa pagiging bata at ibinalik ang mga ugaling walang pakialam sa buhay na bigay sa akin at buhay ng iba...Dinanas kong uli ito at inalam kung ano ng pagbabago ang nangyari sa buhay ko at buhay ng mga kaibigan ko.Marami na rin pa lang nagbago mas mahinahon kami ngayon kesa dati,at di hamak na mas matindi ang pang unawa di gaya nung una na naniniwala kami sa "walang pakialamanan" na salita, ginagalang kasi namin ang desisyon ng bawat isa at di na pinapakialaman pa,pero ngayon marurunong na atang magpayo lahat.Siguro dahil na rin sa dami ng mga pinagdaanan namin sa buhay.Maraming problema ang mga kaibigan ko di hamak na mas marami kesa sa akin,kaya naisip ko na bakit ako nagkakaganito?Wala dapat akong sinasayang na oras,pero bakit nawawala ako sa landas na dapat na tinatahak ko na.Naliligaw nga siguro ko ngayon pero ng magkausap kaming magkakaibigan napag isip isip ko na gumising at tulungan ang sarili ko.Upang makatulong din ako sa kanila,sila na minsan kong nakasama sa lahat ng bagay sa buhay ko,at kasama kong nabuhay sa mundong ginagalawan ko.Aamin kong masaya ako at naranasan kong muli ang mga bagay na ito,ang mga kalokohang nagmulat sa akin.Medyo may konting gulo pa din pagmagkakasama kaming lumalabas pero di na gaya ng dati,nakita ko ngayon sa kanila ang salitang "mapagpasensya" masaya ko sa nakikita ko at nagbigay sa akin ng inspirasyon upang hanapin kong muli ang sarili ko at ituwid ang nababaluktot kong daan.SALAMAT oldskul sa payo, at SALAMAT kapatid na pen sa pagkunsinti at pang unawa sa akin...T@nTruM Is Back!!!